Umaga na pala… Salamat ang salitang nasa isip ko sa sandaling ito. Alam kong hindi parin natatapus ang yugto ng buhay ko sapagkat heto parin ako at may pagasang naka kubli sa puso ko. Hangan lihim nalang ba ang ligaya ko. Oo, sa lihim nalang dahil baka hindi mo gustong makitang masaya ako. Maari mo na sabihing tama na ang kabaliwan ko dahil pawang kathang isip lamang ang nagpapasaya at nagpapatibok sa puso ko. Ikaw talaga ang nasa puso ko pero isang tangin ilusyon lamang ang lahat dahil ang totoo imposibleng ako rin ang laman ng puso mo.

Salamat sa mga oras na ninakaw ko ng kasama kita. Maaring hindi mo namalayang ako ang kasama mo sa paglalakbay at baka naisip mo na nagtaon lang na iisa ang ating patutunguhan. At kung iisa nga, sana hindi na tayo magkahiwalay.

Pinilit kung ibahin ang pagkakilala ko sayo, baka sakaling hindi talaga kita gusto. Paano na sa pagsikat ng araw mamaya? Muli na naman pupukaw sa akin ang ganda mo, muli ko na naman makikita ang mga katangiang nasayo lamang. Mararamdaman ko naman ang pang aasar mo at pang uuto mo. Hindi nga kita gusto pero mahal kita.

Payapa na ang langit mula sa maghapong ulan at hangin kahapon. Nakaligtas ako sa kapahamakan ng muntik na akong mabagsakan ng puno ng sampalok. Nakaligtas nga ako ngunit hindi parin ako makaligtas sa pagbuhos ng mabigat na ulan na gaya ng damdamin ko sayo.

Bakit ba nahihiya ako sayo na makipag usap? Sa tuwing ibubuka ko na ang labi ko ay mauutal na ang dila ko. Kailan ba magiging mahalaga ang mga sasabihin ko? Kailan ba ang mga walang kwentang kwento ko ay magiging makabuluhan sayo. Kailan ba tayo magkakaroon ng isang tinig na gaya ng pagtawang wagas o gaya ng isang panatang pasasalamat sa Ama. Tila ang mga ito ay nangyari na ngunit lumipas na.

Itutulog ko nalang ang pagod… pagod lang eto. Magandang araw sa mga nagbasa nito.

By | 2018-06-10T01:17:28+00:00 June 10th, 2018|Categories: Uncategorized|Comments Off on Isang Halaga

About the Author: